Probinsya mart, hatid ay sariwang mga gulay at prutas para sa mga mamimili

Gamit ang Air 21 Global ay naghahatid ang Probinsya Mart ng sariwang mga gulay at prutas para sa mga mamimili.

Ang mga gulay at prutas na ito ay direktang kinukuha mula mga magsasaka ng Benguet, Batangas at Nueva Ecija.

Ayon kay Air 21-President Judy Honquilada-Ascalon, layunin nitong matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng mataas na kita habang binibigyan naman ang mga mamimili ng magandang kalidad ng gulay.

Sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ay naging katuwang nila ang Nueva Ecija Agripinoy Trader upang maging supplier ng mga sariwang gulay at prutas para matulungan din ang mga magsasakang Novo Ecijano na magkaroon ng buyer ang kanilang mga produkto sa presyong hindi sila malulugi.

Mayroong dalawang paraan upang makabili sa Probinsya Mart, una ay sa pamamagitan ng kanilang website na www.probinsyamart.com kung saan katulad ng ibang online shop ay nakadisplay dito ang kanilang mga paninda.

Ang pangalawang paraan ay ang tinatawag nilang offline community kung saan ay mayroong isang indibidwal na nangongolekta ng lahat ng order ng tao sa kanilang lugar at pagsasama-samahin at tsaka ipapadala sa Probinsya Mart FB page upang bilhin.

Bawat bundle na naglalaman ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas ay nagkakahalaga ng limang daang (500) piso.

Dagdag pa ni Air 21-President Ascalon na walang bayad ang pagdedeliver ng mga gulay at prutas kapag mahigit tatlumpong bundles ang binili ng costumer samantalang kung mas mababa sa 30 bundle ang order ay may bayad na ang pagdedeliver ng 50 hanggang 100 piso.


Direktang inihahatid sa bawat tahanan ng mga costumer ang mga gulay at prutas sa halip na dalhin sa pampublikong palengke na karaniwang bagsakan ng mga ito upang maibenta.

Watch – Probinsya mart, hatid ay sariwang mga gulay at prutas para sa mga mamimili


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *