Produktong Novo Ecijano, tampok sa pagbubukas ng Provincial Cooperative Month Celebration

Samu’t saring mga produktong Novo Ecijano ang itinampok kahapon, October 16, 2018, sa opening ceremony ng Provincial Cooperative Month Celebration na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City.

Ilan lamang ang mga dairy products, fermented foods, eco-friendly furnitures sa mga produktong ibinida kahapon.

Isa sa mga dumalo sa selebrasyon ang Landas Cooperative ng Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija na pinangungunahan ng kura paroko ng St. John the Baptist Church na si Fr. Elmer Villamayor.

Ang layon ng kanilang kooperatiba ay makapgbigay ng scholarship sa mga kolehiyong estudyante upang matulungan itong makapagtapos ng pag-aaral.

Nag-display din ng kanyang mga katangi-tanging produkto si Jayson Natividad ng Brgy. Bosque sa bayan ng Llanera, ang may-ari at designer ng mga muwebles na gawa sa mga pinaglumaang damit.

Bukod sa pagdi-display ng iba’t ibang mga produkto ay nagkaroon din ng Zumba Contest kung saan ang mga kooperatibang lumahok ay naggayak ng kanilang zumba routine na nagpasigla sa umaga ng mga nakiisa sa selebrasyon.

Masaya ding nakilahok ang mga miyembro ng kooperatiba sa mga palaro at quiz bee na inihanda para sa kanila.

Ang nasabing pagdiriwang na may temang “Partners for Building Resilient and Empowered Communities Towads a Better and Stronger Phillipines “ ay inorganisa ng PCDC o Provincial Cooperative Development Council at ng PCEDO o Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina Umali.

Ayon kay Dr. Honorato Panahon, kasalukuyang Chaiman ng PCDC, layon ng programa na magkaroon ng social justice at economic development sa pamamagitan ng pagtulong ng mga kooperatiba sa mga simpleng mamamayan na makapagnegosyo.

Sa kasalukuyan ay mahigit 700 na ang kooperatiba dito sa lalawigan na tumutulong sa mga Novo Ecijano. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *