Propesor sa criminal law ni Pangulong Duterte at iba pa, kokonsultahin sa pagpili ng bagong Chief Justice

Photo Courtesy: Bombo Radyo

Kabilang umano sa kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpili ng bagong Supreme Court Chief Justice ay ang kanyang naging propesor sa criminal law na isang Atty. Dela Cerna.

Maliban pa dito ay kokonsultahin din nito ang mga mahistrado mismo ng Korte Suprema at hihingan ng opinion ang iba’t ibang grupo sa law profession tulad ng Integrated Bar of the Philippines at Philippine Constitutional Association.

Source: http://www.bomboradyo.com/pagpili-ng-bagong-chief-justice-idadaan-sa-konsultasyon-duterte/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *