Protocol ng SM City Cabanatuan sa ilalim ng Modified ECQ, Pinuri ni Governor Umali

Pinuri ni Governor Aurelio Umali sa kanyang personal na pag-inspeksyon noong Huwebes, May 21, 2020 ang SM City Cabanatuan sa mahigpit na pagpapatupad nito ng protocol mula sa Department of Health (DOH) upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Novo Ecijano mula sa sakit na COVID-19.

Ayon kay Governor Umali, nagagalak siya sa naturang Mall sa kanilang pakikiisa sa pamahalaang panlalawigan sa pagsasagawa ng mga safety measures gaya ng paglalagay ng limitasyon sa mga tao na pumapasok sa Department Store upang masunod ang social distancing.

Sa pagpasok pa lamang ng SM City ay makikita nang sinusukat muna ang temperatura ng isang indibidwal habang nakatapak ito sa disinfectant mat upang mamatay ang mga mikrobiyo sa suot nitong sapatos o tsinelas, matapos ito ay dapat munang magsanitize ng kamay gamit ang alcohol bago makapasok sa loob.

Pinuntahan ng gobernador ang bawat parte ng mall kabilang na ang mga store dito kung ipinapatupad ng mga ito ang mga protocol.

Tiningnan din nito kung palagiang sinasanitize ang bawat Comfort Rooms at mga bagay na madalas mahawakan ng tao kagaya ng mga lamesa.

Dagdag pa ni Gov Oyie na sa pamamagitan ng kooperasyon at disiplina ng mga tao ay mapipigilan ang pagkalat ng virus sa Nueva Ecija kahit nasa MECQ na ito.

Kasunod na ininspeksyon ng gobernador ang SM Mega, S&R, NE Pacific Mall at Robinsons upang tingnan din kung maayos ang pagpapatupad ng mga ito ng mga safety measures upang maiwasan ang COVID-19.

Hiling ng ama ng lalawigan na pamarisan sana ng lahat ng Malls hindi lamang sa Nueva Ecija ang SM City Cabanatuan at tiyaking mahigpit ang pagpapatupad ng protocols hanggang sa matapos ang laban kontra COVID-19.

Watch – Protocol ng SM City Cabanatuan sa ilalim ng Modified ECQ, Pinuri ni Governor Umali


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *