Provincial Government Scholarship, bukas na para sa mga 1st Year College

Bukas na sa lahat ng Kabataang Novo Ecijano na nakapagtapos ng High School ang  scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan na nakasentro sa mga estudyanteng  mag-uunang taon sa kolehiyo.

Pinapayuhan lamang na sundin ang mga sumusunod na hakbang.

Una,   magtungo  sa Old Capitol Compound, 2nd Floor, Cabanatuan City at at magpalista ng pangalan.

Pangalawa, kapag rehistrado na ay saka pa lamang makakatanggap ng stub na ibibigay ng kawani.

At pangatlo, sa stub nakatala kung anong oras, araw at saang lugar dapat kumuha ng exam. Nakapaloob na rin kung ano ang mga kailangan dalhin katulad ng lapis at latest School ID.

Sa May 21, 2019 na ang huling araw ng pagkuha ng stub at sa May 22, 2019 na ang exam na gaganapin sa Nueva Ecija High School.

Makakatanggap naman ng mensahe mula sa tanggapan kung nakapasa sa naturang exam.

Ang  benepisyaryo naman ay tatanggap rin ng 2, 500 hanggang 3, 500 bawat semestre depende sa paaralan na pinapasukan.

Ayon kay Engr. Bot Valino ng Public Affairs and Monitoring Office, prayoridad anila ang mga incoming first year dahil nais aniya masubaybayan ng Pamahalaan ang mga bata mula unang taon sa kolehiyo hanggang sa makapagtapos ito para mas maayos at maihain sa mga Novo Ecijano ang serbisyo.

Dalawa lamang sina Nixon Tubiera at Daniel Tabios sa mga estudyanteng nadatnan namin na kumukuha ng stub para sa Scholarship anila ang  matatanggap kasi na ayuda ay magsasalba sa knila sa gastusin sa pag-aaral lalo pa’t pinagkakasya lamang nila ang limang daan na allowance kada lingo.

Magiging daan naman  para kay Aira Estanislao ang tulong pinansyal para maabot ang kaniyang pangarap at mapagaan ang alalahanin ng mga magulang  lalo pa’t  itinataguyod lang ng mga ito kaniyang pag-aaral.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *