Proyektong Road concreting ng Pamahalaang Panlalawigan, labis na pinasalamatan ng mga mamamayan ng Bayan ng Cuyapo

1
Provincial Road of Cuyapo, Nueva Ecija going to San Manuel, Pangasinan

Kung dati ay maputik at baku bako ang kalsadang dinaraanan ng mga estudyante, motorista at simpleng mamamayan ng Bayan ng Cuyapo, ngayon ay makikita na ang kahabaan ng mga sementadong kalsada handog ni Governor Aurelio “Oyie” Umali para sa mga Novo Ecijano.

Kalabisan tuwing tag-ulan pangunahing problema sa naturang bayan ang madudulas na kalsada bunsod ng sobrang putik at kapag tag-araw naman ay ang makakapal na alikabok.

2
Provincial Road of Barangay Malineng to Barangay Paitan, Cuyapo, Nueva Ecija

Ngunit ngayon, malaking ginhawa na umano ang pagkakasemento ng kanilang kalsada lalo na sa katulad ni Mang Marcelo Felix ng Barangay Landing, Cuyapo, na isang tricycle driver.

Malaki din ang naitulong ng konkretong kalsada sa isang katulad ni Mang Max Famorca, Barangay Tanod ng Barangay Salagusog, Cuyapo, dahil mas mabilis na aniya ang kanilang pagresponde sa mga emergency sa kanilang lugar.

3
Provincial Road of Cuyapo going to Nampicuan, Nueva Ecija

Kung dati ay alangan ang mga estudyanteng naglalakad patungong eskwelahan na baka madumihan ang kanilang mga uniporme sanhi ng mapuputik o maalikabok na mga kalsada, ngayon ay makikita silang kampante na sa paglalakad.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng mga mamamayan sa nasabing Bayan dahil sa kabila umano ng kalayuan ng kanilang mga barangay ay naipaabot pa rin ni Governor Umali ang tulong at mga proyekto.- Ulat ni Shane Tolentino

 

https://www.youtube.com/watch?v=wTI2sLGPte0


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *