PSSupt. Leon Victor Rosete, itinalagang 24th Provincial Director ng NEPPO

Itinalaga kahapon, October 17, 2018, bilang ika-24 na Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office o NEPPO si Police Senior Superintendent Leon Victor Rosete.

Pinalitan ni Police Senior Superintendent Rosete si Police Senior Suprintendent Eliseo Tanding na mahigit isang taong naging Provincial Director ng NEPPO.

Ayon kay Police Senior Superintendent Rosete, pagtutuunan niya ng pansin ang anti-illegal drugs at anti-criminality campaign at gayundin ay ang paglilinis sa hanay ng kapulisan para mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo.

Hiniling naman ni Former Provincial Director Tanding na sana ay kung gaano ang naging suporta sa kanya ng mga kapulisan dito sa lalawigan ay ganoon din ang ibigay nilang suporta sa bagong Provincial Director.

Ginanap ang Change of Command ceremony sa Nueva Ecija Police Provincial Office dito sa Cabanatuan City na pinangunahan ni Regional Chief Directorial Staff o RCDS Police Senior Superintendent Roderick Armamento. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *