PUP graduates, top choice ng mga employer –JobStreet

Mas pinipili ng mga kompanya ang mga graduates mula sa PUP o Polytechnic University of the Philippines dahil hinahangaan ng mga ito ang positibong work ethic ng mga PUPian, ayon sa survey ng JobStreet.com.

Ayon kay Philip Gioca, manager ng naturang recruitment portal, lumalabas sa kanilang pagsusuri na nagtitiwala ang mga employer sa reputasyon ng naturang unibersidad pagdating sa pagkakaroon ng quality graduates.

Kaugnay nito, ay nagpahayag ng paghanga si Sen. Joseph Victor Ejercito sa mga PUPian graduates sa nakaraang pagtatapos sa PUP Cabiao Campus.

Aniya, bukod sa karunungang taglay ng mga ito ay matiyaga rin sa trabaho ang mga PUPian kaya naman sila ang mas pinipili ng mga employer.

Lubos namang itong ikinatuwa at ipinagmamalaki ng mga graduates ng naturang unibersidad. Aniya, kahit gaano kahirap ang trabaho ay mayroon silang tiyaga at dedikasyon para rito.

Matatandaan naman na dati nang naguna ang PUP sa listahan noong 2015. At pumangalawa ito noong 2016 kung saan nanguna naman ang UP o University of the Philippines.

Samantala, sa kasalukuyang ranking ay pumangalawa naman sa listahan ang UP at sinundan ng Ateneo de Manila University. Habang pang-apat naman ang University of Sto. Tomas at sumunod dito ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Far Eastern University, De La Salle University, Technological Institute of the Philippines, University of San Carlos, University of Cebu and University of the East. –Ulat ni Irish Pangilinan


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *