Pusher at carnapper, magkasunod na pinaslang; 2 babae; 1 lalaki sangkot umano sa droga, tinadtad ng bala

Nakunan sa CCTV camera ang ginawang pamamasalang kay Macario Ignacio sa Maharlika Hi-way, Bitas, Cabanatuan City.
Nakunan sa CCTV camera ang ginawang pamamasalang kay Macario Ignacio sa Maharlika Hi-way, Bitas, Cabanatuan City.

     Magkasunod na pinaslang ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng pamamaril sa lungsod ng Cabanatuan City.

     Unang biktima si Macario Ignacio y Mamangon alyas Kayo, 45-anyos, binata, residente ng Purok Pag-asa, barangay Daan Sarile; at Jonathan Atador y Erna, 31, binata, tricycle driver, naninirahan sa barangay Valle Cruz, Cabanatuan.

     Base sa report ng pulisya, 2:30 ng hapon nang pagbabarilin ng riding in tandem si Ignacio sa kahabaan ng Maharlika Highway, sa barangay Bitas.

     Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumitaw na si alyas Kayo ay kabilang sa mga listahan ng mga target drug personalities.

     Samantala, 3:20 naman ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Atador na nakahandusay sa Nueva Ecija-Aurora Road sa barangay San Isidro.

Ilang minuto makaraang patayin si Macario, isinunod naman si Jonathan Atador na pinagbabaril sa San Isidro,  Cabanatuan City.
Ilang minuto makaraang patayin si Macario, isinunod naman si Jonathan Atador na pinagbabaril sa San Isidro,
Cabanatuan City.

     Ilang minuto makaraang patayin si Macario, isinunod naman si Jonathan Atador na pinagbabaril sa San Isidro,

Cabanatuan City.

     Napag-alaman na si Jonathan ay kasama sa carnapping watch list sa lalawigan. Narekober ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singkong baril, at sampong deformed slug.

     Llanera- tinadtad ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang babae, at isang lalaki sa irrigation canal sa barangay General Luna.

Piniringan at iginapos ang tatlong biktimang sangkot umano sa droga na pinatay sa irrigation canal sa General Luna, Cabanatuan City.
Piniringan at iginapos ang tatlong biktimang sangkot umano sa droga na pinatay sa irrigation canal sa General Luna, Cabanatuan City.

   Kinilala ang mga biktimang sina Melda Trapalgal y Valdez, 36, residente ng Bakal 3, Talavera; Alma Santos y Panahon, 47, naninirahan sa Marcos, Talavera; at Manuel Andres y Ceña alyas Ogie, 47, ng Sampaloc, Talavera.

    Ayon sa saksi, na tatlong daang metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen,  8:30 ng gabi nang makarinig siya ng maraming putok ng baril.

  Nag-viral sa social media site na Facebook ang video footage ng tatlong biktima na nagmamakaawa, at nangangakong magbabagong buhay na bago pinagbabaril.

    Lumabas sa pagsisiyasat na si Trapalgal ay Number two sa Top 10 drug personalities sa bayan ng Talavera.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *