QUARTER FINALS NG NECSL SEASON 5 MEN AND WOMEN’S VOLLEYBALL AT MEN’S BASKETBALL, SIMULA NA NGAYONG ARAW!

   Ngayong araw, October 11 ang simula ng laban sa pagitan ng mga koponang pasok sa Quarter Finals sa ikalimang serye ng Nueva Ecija Collegiate Sports League o NECSL.

   Tig-6 na koponan ang umabante sa Men and Women’s Volleyball at Men’s Basketball Tournament ng nasabing palaro.

   Last week, sa pagtatapos ng elimination round, kinilala na ang Top 6 na maglalaban laban para sa quarter finals.

   Noong Huwebes (October 6), tila naging mainit ang bakbakan ng NEUST Phoenix at CLSU Green Cobras upang malaman kung sino ang pinakamatibay na koponan ngayong taon.

   Sa huli nakuha ng Phoenix ang panalo na kumamada ng 89-86 na puntos kontra sa CLSU Green Cobras.

   Isa rin sa nagpakitang gilas ang M.V. Gallego Ambassadors laban sa GJC Generals.

   Hindi na pinaporma pa ng Ambassadors ang Generals at tuluyan ng pinaupo sa score na 86-55.

   Sa kabilang banda, pumasok pa rin sa top 6 ang GJC Generals na may 3 panalo at 2 talo, habang may 4 na panalo at 1 talo ang MVGFC Ambassadors at WUP Riders.

   Kasama rin ang mga koponan na umabante para sa quarter finals ng Men’s Basketball Tournament  ang NEUST Phoenix na tinalo ang lahat ng koponan mula sa bracket b, CLSU Green Cobras at CIC Kings na may 4 na panalo at 2 talo.

Kartada ng mga koponang pumasok sa Quarter Finals ng NECSL Season 5
Kartada ng mga koponang pumasok sa Quarter Finals ng NECSL Season 5
Kartada ng mga koponang pumasok sa Quarter Finals ng NECSL Season 5
Kartada ng mga koponang pumasok sa Quarter Finals ng NECSL Season 5
Kartada ng mga koponang pumasok sa Quarter Finals ng NECSL Season 5
Kartada ng mga koponang pumasok sa Quarter Finals ng NECSL Season 5

 

   Samantala, para sa Men’s Volleyball, hindi nadungisan ng pagkatalo ang koponan ng WUP- Riders at CLSU Green Cobras.

   Habang ang CIC Kings, maswerteng napanalunan ang ikatlong pwesto para sa Bracket B laban sa CRT Blue Fox.

   Kabilang din sa top 6 ang MVGFC Ambassadors, ELJMC Black Ravens, at NEUST Phoenix.

   Para naman sa Women’s Volleyball, maghaharap-harap para sa quarter finals ang mga koponan mula sa CLSU Green Cobras, ELJMC Black Ravens, WUP Riders, NEUST Phoenix,  CRT Blue Fox at GJC Generals.

   Ngayong umaga, kasalukuyang nagaganap ang labanan ng mga kababaihan sa Volleyball sa pagitan ng WUP Riders at CRT Blue FOX sa NEUST Main Campus, General Tinio Street Cabanatuan City.

   Susundan ito ng GJC Generals vs CLSU Green Cobras, ELJMC vs CRT Bluefox at WUP Riders vs CLSU Green Cobras.

   Mamayang ala-una ng hapon, gaganapin ang laro ng Men’s Volleyball sa parehong lugar.

   Unang maghaharap ang WUP Riders vs CIC Kings, ELJMC Black Ravens vs M.V. Gallego Ambassadors, WUP Riders vs CLSU Green Cobras T NEUST Phoenix vs ELJMC Black Ravens.

   Ngayong araw din sisimulan ang bakbakan sa Men’s Basketball Tournament sa NEUST Main Campus Basketball Court.

   Malalaman na kung sino ang matibay sa pagitan ng NEUST Phoenix kontra WUP Riders mamayang ala-una ng hapon.

   Susundan ng GJC Generals vs CIC Kings at last game ang M.V. Gallego vs CLSU Green Cobras.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *