Rated K Host Korina Sanchez-Roxas, bumisita sa Bayan ng Peñaranda

1`
Korina Sanchez-Roxas kasama ang mga batang mag-aaral sa Bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija na nabiyayaan ng mga bagong tsinelas.

Aabot sa isang libong mamamayan ng Bayan ng Peñaranda, ang nabigyan ng mga bagong tsinelas, bigas, salamin sa mata at bracelet sa pagbisita doon ng host ng programang Rated K na si Korina Sanchez-Roxas.

Ito ay bilang pagdiriwang ni Korina ng ikasampung taon ng programang Rated K, ika-apat na taon bilang TV Anchor sa TV Patrol, at ika-limang anibersaryo ng kanilang kasal ni DILG Secretary Mar Roxas.

Ayon sa TV Host, layunin ng programa na makapagbigay inspirasyon sa maraming Pinoy at ipabatid na hindi hadlang ang lumang saplot sa paa upang marating ang mga pangarap.

 

2
Korina Sanchez-Roxas habang iniaabot ang bracelet at bigas sa mga mamamayan ng Bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija.

Aniya, ang tsinelas ay sumisimbolo sa isang hakbang patungo sa magandang kinabukasan.

Paglilinaw naman ni Korina, na walang halong pamumulitika ang kanyang pagtungo sa Lalawigan kundi pawang pagbibigay lamang ng tulong sa mga mamamayan ng naturang bayan.

Hindi rin diretsong sinagot ng TV host ang isyu na tatakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections ang kanyang asawang si Mar Roxas.

[youtube=http://youtu.be/HL3qA_J-aJs]

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *