Reclassification ng mga lupa sa Cabanatuan City at Sta. Rosa, disapproved dahil sa kakulangan ng dokumento

Tatlumpung panukalang ordinansa ng Cabanatuan City at Sta Rosa na tumutukoy sa land reclassification ang hindi inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa Ika-21 Karaniwang Pagpupulong.

Ito ay base sa rekomendasyon ng Committee on Housing Land Utilization and Environmental Protection.

Ayon kay BM Eric Salazar, Chairman ng Komite, ang mga panukala ay naging imbalido dahil sa kakulangan ng mga hinihiling na dokumento ng Sanggunian.

Paliwanag ni Vice Governor Anthony Umali, ang pag-aaral na ginagawa ng Sanggunian ukol sa reclassification ay base sa Memorandum Circular #54 ng Local Government Code.

Sa personal na opinyon ng Bise Gobernador, hindi niya gusto na ma-reclassiffy ang mga ito dahil gusto niyang manatili na marami ang sakahang lupain sa probinsiya na pangunahing ikinabubuhay ng mga Novo Ecijano.

Ngunit, hindi man sang-ayon ay wala umano siyang kakayahan na pigilan ang pagpapalit ng uri ng mga lupa kung kumpleto ng dokumento ang mga Lokal na Pamahalaan na humihiling nito.

Handa naman umanong makipagdayalogo ang mga miyembro ng Sanggunian kung sakaling may kwekwestiyon sa kanilang naging desisyon. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – Reclassification ng mga lupa sa Cabanatuan City at Sta. Rosa, disapproved dahil sa kakulangan ng dokumento


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *