Regina Assumpta Kids Academy kampeon sa Kiddie Wizard 2018 Elementary Level

Itinanghal na kampeon ang Regina Assumpta Kids Academy sa ginananap na Kiddie Wizard 2018 Elementary Level noong Biyernes November 30, sa NE Pacific Mall.

2nd placer naman ang Wesleyan University Philippines at 3rd placer naman ang Laur Central School.

Kapwa nakatanggap ng medal of participation ang dalawang School na naging bahagi din ng kompetisyon, ang Cabanatuan East Central School at ang Lazaro Fransisco Integrated School.
Sa unang round pa lamang ng laban ay nanguna na ang grade six student ng Regina Assumpta Kids Academy na si Bradleur De Lara Cajucom.

At sa huli ay ipinamalas ni Cajucom ang kanyang husay at talino sa score na 10-0, kung saan siya ang tinanghal na kampeon.

Masayang masaya naman ang team ng Regina Assumpta Kids Academy dahil sa natanggap na kampeonato, proud na proud ang Mommy ni Bradleur Cajucom dahil sa ipinakita nitong galing sa Kiddie Wizard.

Sa mensahe ng Marketing assistant ng NE Pacific Mall na si Alexander Aquino taon taon ay isinasagawa nila ang ganitong patimpalak upang maipakita ng mga bata kung ano ang kanilang natutunan sa School.

Hinihikayat din niya ang mga ito na sumali sa ganitong kompetisyon upang magkaroon ng confidence at maibahagi sa iba ang kanilang mga kakayanan pagdating sa pag-aaral.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *