Resulta ng clinical trial sa lagundi kontra COVID-19, ilalabas na sa Oktubre

Posible nang ilabas ang resulta ng pagsusuri para sa lagundi o chaste tree bilang gamot sa mayroong mild symptoms ng COVID-19 sa darating na October 2020.

Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) noong August 29, 2020 ang pagsasailalim nito sa clical trials upang makita kung may maganda nga ba itong epekto sa mga tinatamaan ng naturang virus.

Layunin ng Department of Science and Technology (DOST) na gamitin ang lagundi bilang gamot sa mga sintomas ng Coronavirus disease tulad ng ubo, lagnat at sore throat dahil magiging malaking ginhawa umano ito para sa mga pasyente.

Susubukan ang chaste tree sa 200 pasyente na mayroong mild symptoms ng nasabing sakit na kasalukuyang nakaadmit sa quarantine facility ng Sta. Ana Hospital, Quezon Institute Quarantine Center at Philippine National Police-National Capital Region Community Quarantine Center.

Matagal nang kilala ang lagundi bilang gamot sa ubo na isa sa mga sintomas ng COVID-19.

Ang lagundi ay isa lamang sa sampong halaman na naaprubahan upang magamit sa paggagamot ng naturang sakit.

May mga kompanya na tulad ng Ascof, Plemex at Lagundex na ginawa itong syrup at tableta na ibinebenta sa merkado.

Bukod dito ay ipinayagan na rin ang paggamit bilang herbal supplement ng Tawa-tawa o asthma plant laban sa COVID-19 na karaniwang supplement naman para sa mga pasyenteng may dengue.

Samantala ang paggamit naman ng virgin coconut oil kontra sa nasabing virus ay hindi pa pinapayagan dahil gagawin pa lang ang clinical trial nito. Ulat ni Belle Ramirez

https://youtu.be/-WyVL1MqoIM


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *