Retiradong guro sa San Jose City, patay tandem; pusher sa Cabanatuan City nanlaban sa mga pulis, dedo

Sinampahan na ng kasong Murder sa Office of the Prosecutor ng San Jose City ang gun man at isa pang hindi nakikilalang suspek sa pagpatay sa isang retiradong guro.

Positibong kinilala ng testigo ang bumaril sa biktima na si Melvin Casita, kwarenta’y sais anyos, may asawa at residente ng Zone 4 barangay Sto. Tomas, San Jose.

Pinagbabaril ang retiradong guro na si Melvin Casita habang nasa veranda ng bahay sa San Jose City.

Base sa report ng pulisya, bandang alas dyes dyes ng umaga noong July 22, 2018 habang nasa veranda ng kanilang bahay sa No. 480 First St. Melcar Subdivision, barangay Calaocan, San Jose City si Susan de Leon y Tablada, sisenta’y singko anyos at isang balo ay dumating ang mga suspek na magka-angkas sa isang Kawasaki Bajaj.

Bigla na lamang umanong pinaputukan ni Casita ng sunud-sunod ang biktima gamit ang isang kwarenta’y singkong baril pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Isinugod pa sa ospital ang dating guro ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang kapulisan na nagresulta sa pagkaaresto kay Melvin.

Samantala, dead on the spot ang isa umanong drug pusher matapos manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Saint John St. barangay Kapitan Pepe, Cabanatuan City.

Kinilala ng kanyang ina ang suspek na si Jayson Varce alyas Joel Bunganga, edad trenta, binata at naninirahan sa Block 4, Sport Center, barangay Aduas Sur, Cabanatuan City, na napag-alamang may mga nakasampang kasong Frustrated Murder at Robbery.

Ayon sa ulat ng Cabanatuan Police Station, dakong  alas dyes ng gabi noong July 22, 2018 nang magpanggap ang mga pulis sa pamumuno ni Police Chief Inspector Jaime Ferrer na bumibili ng illegal na droga kay Varce gamit ang Php500.00 bill na marked money.

Nanlaban umano sa mga pulis si alyas Joel Bunganga sa buy-bust operation sa Cabanatuan City.

Nakatunog umano ang suspek na nagpapanggap lang ang mga ito kaya binunot nito ang baril at pinaputukan ang mga katransaksyon.

Dahil dito, napilitan ang mga pulis na gantihan ng putok si Jayson na naging sanhi ng kamatayan nito.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen isang caliber .45 pistol, isang magazine na kargado ng limang bala ng kwarenta’y singko, limang basyo ng bala ng cal. 9mm at siyam na selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakuha naman mula sa suspek ang Php500.00 na ginamit ng mga otoridad, dalawang disposable lighter, isang maliit na selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na ibinenta ng suspek sa mga nagpanggap na pulis.

Dinala ang bangkay ni Varce sa Loida Funeral Homes sa Maharlika Highway, Cabanatuan City kung saan isinagawa ang autopsy examination na binigyang permiso ng ina nito. – ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *