Retiradong Pulis Tinaniman ng Bala, Tepok; 2 Patay, 1 Sugatan sa Pamamaril

Kinilala ang biktimang si Isagani Tulud y Palapal, sisenta’y dos anyos, residente ng barangay San Carlos ng naturang bayan.

Nabatid na nakikipag-usap ang biktima kay Mamerto Santos sa gilid ng kalsada ng dumating ang dalawang hindi nakilalang suspek sakay ng isang motorsiklo at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan.

San Leonardo- Patay ang dalawang lalaki habang ang isa pa ay sugatan sa naganap na pamamaril sa barangay Mambangan, bayan ng San Leonardo.

Parehong hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang mga biktimang sina Norman dela Cruz y Yazon, trenta’y kwatro anyos, dating pulis, at Jonathan Mamato y Latade, bente otso anyos, dahil sa mga natamong tama ng bala ng 9mm. na baril sa kanilang ulo samantala kritikal naman ang kondisyon ni Alvin Binene y Rigat, trenta’y sais anyos, na lahat ay residente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang ala una kwarenta ng madaling araw nakipagkita sina Norman dela Cruz at Jonathan Mamato kay Alvin Binene.

Habang nag-uusap ang tatlo sa gilid ng kalsada nang dumaan ang isang kulay maroon na SUV Crosswind kung saan nakasakay ang suspek na bumaril sa tatlo.

May kaugnayan umano sa illegal na droga ang tinitignang anggulo ng mga otoridad na posibleng motibo sa pagpatay sa mga biktima.-ulat ni Clariza de Guzman.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *