Ride for a Cause ng Kamote Riders, nagbigay tulong sa nanay na may Kidney Cancer

Nagbigay ng  tulong sa isang Nanay na nagdadialysis ang Ride for a Cause ng Kamote Riders sa Bayan ng Talavera.

Daan – daang riders ang nakiisa sa inorganisang Ride for a cause ng Kamote Riders Nueva Ecija para sa kanilang charity mission nitong Linggo sa Barangay ng Tabacao, Talavera Nueva Ecija.

Kabilang sa mga lumahok ang Guimba, Baloc, Talavera Riders na nanguna sa programa,MCRC Riders, RWC Nueva Vizcaya, RWC Pangasinan, Kamote Riders Pangasinan, Kamote Riders Tarlac, Kamote Riders Cabalen Sa Pampanga at Kamote Riders Olongapo, Zambales.

Ayon sa Chapter Head Unified Kamote Riders Nueva Ecija na si Victor Quadra Jr., layunin nito na makapag bonding ang mga riders dito sa naturang lalawigan at makapag raise ng fund para makatulong.

Pahayag naman ni Mark Joshua Mendoza na miyembro ng Taguig Motorcycle Club, nakiisa sila sa nasabing Ride for a Cause para makatulong sa nangangailangan.

Napiling benepisyaryo ng Kamote Riders si Flor Rayon a tubong Tabacao Talavera, 37 years old at pitong buwan nang nagdurusa sa stage 5 Renal Cancer.

Laking pasasalamat ni Rayo matapos matanggap ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 18, 700 galing sa mga Riders na magagamit nya sa kanyang pagpapagamot. Ulat ni Joice Vigilia/ Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *