Ring Hop Ceremony ng Midway Maritime Foundation, gabi ng inspirasyon para sa mga magsisipagtapos

     Nagsilbing Night for Inspirations ang Ring Hop Ceremony para sa mahigit limang daang kadete ng Midway Maritime Foundation na nagtapos ng Bachelor of Science in Marine Engineering at Bachelor of Science in Marine Transportation, dahil naging kabahagi ng naturang seremonya ang kanilang mga inspirasyon sa buhay.

Inihandog sa mga Graduating Cadetes ng Midway Maritime Foundation ang isang gabi ng inspirasyon bilang bahagi ng kanilang pagtatapos, kung saan nakasama ng mga ito ang kanilang mga kasintahan sa ginanap na Ring Hop Ceremony.
Inihandog sa mga Graduating Cadetes ng Midway Maritime Foundation ang isang gabi ng inspirasyon bilang bahagi ng kanilang pagtatapos, kung saan nakasama ng mga ito ang kanilang mga kasintahan sa ginanap na Ring Hop Ceremony.

     Ayon kay Student Affairs Director Jimuel Roque ng Midway Maritime Foundation, ang Ring Hop ay isang seremonya para sa mga Graduating Cadetes bago ang mismong araw ng graduation, kung saan isinusuot sa kanila ng kanilang mga kasintahan o mahal sa buhay ang singsing o bull ring sa loob ng isang malaking singsing, bilang tanda ng kanilang pagtatapos sa pag-aaral.

Nakaugalian na sa Midway Maritime Foundation ang pagkakaroon ng Ring Hop Ceremony, bilang bahagi ng pagtatapos ng mga estudyante.
Nakaugalian na sa Midway Maritime Foundation ang pagkakaroon ng Ring Hop Ceremony, bilang bahagi ng pagtatapos ng mga estudyante.

     Matapos ang pagsusuot ng singsing ay binibigyan din ng pagkakataon ang mga Kadete na mahagkan ang kanilang mga kapareha.

    Dagdag ni Director Roque, ang singsing o Bull Ring ay sumisimbolo sa buhay na tatahakin ng mga kadete pagkatapos ng mahabang panahon ng paglalakbay bilang mga estudyante.

     Ginawang eksklusibo ang Ring Hop Ceremony para sa mga kasintahan ng mga magsisipagtapos bilang sila ay isa sa mga naging inspirasyon ng mga ito sa panahong ginugol sa pag-aaral.

     Habang ang mismong araw naman ng Graduation ay para sa mga magulang na nagsakripisyo at nagtaguyod para sa kanila upang makamit ang kanilang mga diploma.

Para kay Resty Ancaja ang bull ring ay tanda ng respeto at disiplina sa paaralang kanyang pinagtapusan.

     Espesyal naman para kay Robin Aure ang seremonya ng pagsusuot ng singsing dahil ito ang naging magandang bunga ng paghihirap at pagsusumikap ng kanyang mga magulang mapatapos lamang siya sa pag-aaral. – Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *