Rotary Club-NE, nag donate ng mahigit 2,500 PPE, facemasks at face shields sa provincial government

Pinagkalooban ng mahigit dalawang libo at limang daang pirasong washable Personal Protective Equipment (PPE), facemasks at face shields ng Rotary Club District 3770 ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija bilang tugon sa pangangailangan nito ngayong mayroong COVID-19 crisis.

Isinagawa ang turn over ceremony noong June 02, 2020 sa Old Capitol Cabanatuan City.

Ayon kay District Governor Jon Alonzo, ito na ang pangatlong beses na nagbahagi ng tulong ang samahan sa pamamagitan ng Rotary Foundation at Rotary Taiwan sa ilalim ng kontra COVID-19 alay sa Nueva Ecija Global Grant Project.

Malugod namang tinanggap nila Gov. Aurelio Umali, Rotarian Vice Gov. Anthony Umali at Provincial Health Officer Dra. Josie Garcia ang mga donasyon.

Malaking tulong anila ang mga ibinahaging kagamitan upang maproteksiyunan ang mga unang linyang manggagawa na patuloy na humaharap sa krisis sa kalusugan.

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay ipapamahagi ang medical equipment sa mga health workers at front liners ng pamahalaang panlalawigan.

Ang Rotary Club ay non-political at non-religious organization na binubuo ng mga negosyante at propesyunal na indibidwal na nagsasama-sama upang makapagbigay ng serbisyo sa pamayanan. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – Rotary Club-NE, nag donate ng mahigit 2,500 PPE, facemasks at face shields sa provincial government


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *