Roxanne Umali, itinanghal bilang Bb. Nueva Ecija 2015

Naiuwi nang Binibini ng Lungsod ng Cabanatuan, na si Roxanne Umali ang korona bilang Binibining Nueva Ecija 2015 na ginanap sa Convention Center, Palayan City.

23 KANDIDATA, NA SUMAYAW SA KANILANG PRODUCTION NUMBER.
23 KANDIDATA, NA SUMAYAW SA KANILANG PRODUCTION NUMBER.

Sa simula pa lamang, ay umalingawngaw na sa buong Convention Center ang hindi magkamayaw na paghiyaw ng mga supporters sa dalawamput tatlong kandidata na sumayaw sa kanilang Production Number.

Uminit ang buong entablado nang isa-isa ng lumubas ang mga nagseseksihang kandidata suot ang kanilang swimsuit.

Lumutang naman ang kagandahan ng bawat kandidata sa pagsuot ng Modern Filipiniana. Habang nag pagandahan sa pagindayog ng baywang ang mga kalahok sa pagrampa ng kanilang Long Gown.

Habang nag pagandahan sa pagindayog ng baywang ang mga kalahok sa pagrampa ng kanilang Long Gown.

Umaapaw sa dami ng Minor Awards ang nasabing patimpalak, mula sa iba’t-ibang pribadong kumpanya sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Benjamin Lopez, Chairman ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, sa buong kasaysayan ng Binibining Nueva Ecija ay ngayon taon ang isa sa pinakamaraming sumuporta na sponsors.

Kabado at makapagil hininga na, ng isa-isa ng tawagin ang mga kalahok na pasok sa Top 10, na kinabilangan nila Candidate No. 12, 21, 19, 11, 17, 22, 15, 8, 18 at 20.

 

Mas tumaas pa ang tensyon, ng salain na sa lima ang mga kalahok, na napagtagumpayan na makapasok nila Candidate Number 15, 8, 19, 11 at 18.

Binibining Nueva Ecija 2013 Nicca Apan, habang isinasalin kay Binibining Nueva Ecija 2015 Roxanne Umali ang korona.
Binibining Nueva Ecija 2013 Nicca Apan, habang isinasalin kay Binibining Nueva Ecija 2015 Roxanne Umali ang korona.

Sa Question and Answer Portion, isa-isa ng sumalang sa pagsagot ang limang kandidata, sa mga tanong na ibinigay mismo ng mga hurado.

Bago ihayag ang mga nanalo ay binigyang muli ng pagkakataon na makaapak sa entablado suot ang kanilang korona, ng mga binibining nagwagi noong taon 2013, para sa kanilang Farewell Walk.

Sa huli, itinanghal na Binibining Turismo si Candidate No. 15 Majeda Lorenz Briggs ng lungsod ng palayan, na nakuha ang ika-apat na pwesto. Habang, 3rd runner up si Candidate No. 11, Mara Pangilinan ng Gapan City. Second runner up si Candidate No. 8, Ciryl Luciano ng Bayan ng Sta Rosa. First runner up si Candidate No. 19 Nicca Angela Fider ng Lungsod ng San Jose. At ang nagtagumpay na maiuwi ang korona ng gabing iyon, ay si Candidate No. 18 Roxanne Umali ng Cabanatuan City.

Isa si Umali sa mga nangibabaw sa pagsungkit ng mga Minor Awards bilang Ms. Avon, Ms. close-up smile, Ms. sunsilk, Ms. unilever at ang Best in Long Gown.

Lubos naman ang pasasalamat ni Tina Wycco, Provincial Tourism Officer sa lahat ng mga tumulong upang mabuo at maging matagumpay ang Binibining Nueva Ecija 2015.-Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *