Sa Bayan ng Talavera, Negosyante Pinagbabaril, Sugatan; Sa Lungsod ng Cabanatuan, Domestic Helper, Natagpuang Patay

Sugatan ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa barangay Sampaloc, bayan ng Talavera.

Kinilala ang biktimang si Ricardo Aquino y Timoteo, kwarenta’y syete anyos, may-asawa, ng barangay Calipahan, bayang nabanggit.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas dos singko ng hapon, nagpanggap ang dalawang suspek na bibili ng manok sa Ricky and Connie Chicken Dressing Plant.

Pagkatanong ng isa sa mga suspek kung magkano ang presyo ng manok ay bigla na lamang itong bumunot ng baril at niratrat ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singko.

Cabanatuan- Natagpuan na lamang na wala ng buhay ang isang kasambahay sa tahanan ng kanyang amo sa barangay Kalikid Sur, Cabanatuan City.

Kinilala ang biktimang si Lolita Ferrer, singkwenta’y otso anyos, dalaga, tubong Misamis Oriental, residente ng barangay BF Homes, Sucat Paranaque City.

Ayon sa ulat, dakong ala una trenta ng hapon ng matuklasan ang nakahandusay na bangkay ng biktima sa terrace ng bahay ng kanyang employer na si Robert Rinyon.

Pinaniniwalaan na namatay sa natural na paraan ang biktima subalit dinala pa rin ang kanyang labi sa isang punerarya para dumaan sa autopsy examination.

Paalala po sa ating mga kaibigan, lagi po tayong maging alerto at mag-ingat dahil ang krimen ay nangyayari kahit saan kahit kalian. -Ulat ni Clariza de Guzman

[youtube=http://youtu.be/mhkeNeFsTqY]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *