Sa Lungsod ng Cabanatuan, Bangkay ng Kelot, Natagpuan sa Gilid ng Kalsada; Sa Bayan ng Guimba, Lalaking May Diperensiya sa Pag-iisip, Nalunod sa Ilog

Natagpuan kamakailan ng ilang residente ng barangay Aduas Centro, Cabanatuan City ang nakahandusay na bangkay ng isang lalaki sa gilid ng kalsada.

Nakasuot ng pulang t-shirt, at puting pajama ang biktima, tinatayang nasa edad bente singko hanggang trenta anyos, may taas na 170 centimeters, may star na tattoo sa kaliwang pulso, at Mother Perpetual Help sa kaliwang balikat.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singkong pistola.

Samantala, pansamantalang inilagak sa punerarya ang mga labi ng biktima.

Guimba- Naaagnas na ang katawan ng isang lalaking may diperensiya umano sa pag-iisip nang matagpuan ng mga mangingisda sa gilid ng ilog sa barangay Bacayao, bayan ng Guimba.

Kinilala ang biktimang si Ronald Borja y Manlapit, disisiete anyos, binate, ng barangay Casungsong ng naturang bayan.

Pinaniniwalaang nalunod ang biktima dahil dalawang araw bago madiskubre ang bangkay nito ay nakita umano itong naglalaro sa ilog kasama ang kapatid nitong babae na may diperensiya rin sa pag-iisip.

Paalala po sa ating mga kaibigan, lagi po tayong maging alerto at mag-ingat, dahil ang krimen ay nangyayari kahit saan, kahit kalian. Ako po ang inyong Bantay Krimen, Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *