Saint Paul San Antonio, wagi sa Float Competetion ng Tambo Festival

Wagi ang Saint Paul San Antonio sa Float Parade Competition ng Tambo Festival 2019 sa bayan ng San Antonio.

Sa kumpetisyon na may temang balikbayan, bilang pagkilala sa mga Overseas Filipino Workers, nag-stand out ang barkong gawa ng Saint Paul na yari sa mga recycled materials katulad ng colored plastics, used mirrors, mga karton at lumang elesi.

Iginawad sa Barangay Maugat ang 2nd  Prize, 3rd  Prize ang Barangay Santa Barbara, 4th Prize ang Papa Piolo’s Resort at 5th  Prize  naman ang DepEd.

Tinatayang nasa 30 ang bilang ng naki-isa sa nasabing kompetisyon.

Ayon kay Geoffrey Lapuz Jimenez,  Presidente ng 2019 Tambo Festival, inabot ng halos walong buwan ang kanilang naging preperasyon para sa selebrasyon na sinimulan noong ika-lima ng Enero ang pagdiriwang na nagtapos noong ika labing pito ng Enero.

Dinagsa rin ng mga manood ng parade ang 20 anyos na Kapuso Male Star na si Manolo Pedrosa, maging ang mga kabataang naka  anime’ costumes.

Nag-umpisa ang Float Parade sa San Antonio Commercial Center and Central Terminal, lumibot sa kahabaan ng Barangay Poblacion na humangga sa munisipyo ng San Antonio.- Ulat ni Jessa Dizon

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *