SALVEO ORGANIX, ALTERNATIBONG MEDISINA PARA SA MGA NOVO ECIJANO

Nakarating na dito sa Nueva Ecija ang sumisikat ngayong alternative medicine na sinasabing mainam na pamalit sa conventional medicine.

Ang alternatibong medisina ay gumagamit ng mga halamang gamot partikular ng mga gulay upang lunasan ang mga sakit o karamdaman.

Ayon sa Health Consultant na si Rose Castañeda, isang linggo ng lumilibot sa lalawigan ang kanilang grupo upang ipakilala ang kanilang mga produkto na gawa sa klinika ng Salveo Organix.

Nangunguna aniya sa mga halamang ginagamit nila sa kanilang produkto ang malunggay na kinikilala sa buong mundo bilang isang kumpletong pagkain dahil hitik ito sa mga bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan.

Umaabot umano sa tatlong daang sakit ang napapagaling ng mga produkto ng Salveo Organix kabilang na dito ang goiter, kidney problem, anemia, uric acid, at iba pa.

Nalalaman ng mga consultant ng Salveo ang kondisyon ng kalusugan at katawan ng isang pasyente sa pamamagitan ng Quantum Magnetic Resonance Analyzer at Iridology na tumutulong para makapag-rekomenda sila ng tamang gamot mula sa kanilang mga produkto.- Ulat ni Clariza de Guzman

[youtube=http://youtu.be/g4XIfBmvb7I]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *