Sam Milby at Yam Concepcion, nakisaya sa kapistahan ng Tatlong Hari sa Gapan City

Naghatid ng saya sa mga Gapanense sina Sam Milby at Yam Cocepcion nang bumisita at pumarada ang dalawa sa Lungsod ng Gapan bilang parte ng selebrasyon ng kapistahan ng Tatlong Hari.

Mainit na sinalubong ng mga Gapanense sina Sam Milby at Yam Concepcion sa pagdating nito sa Gapan City Plaza. Photo Courtesy: Mayor Emeng Pascual-Serbisyo Publiko

Kasama rin sa parada ang mga makukulay na float at mga muse at escort mula sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod.

Mayroon ding nagbihis bilang tatlong hari na kasama ring umikot sa Gapan sakay ang karitela.

Nagpamalas ng galing sa marching band drill exhibition ang Zabat Band sa ginanap na munting programa sa kapistahan ng Tatlong Hari sa Gapan City. Photo Courtesy: Mayor Emeng Pascual-Serbisyo Publiko

Pumarada rin ang dalawampu’t dalawang musiko na nauna nang nagpakitang gilas sa pagtugtog at pagsayaw sa kanilang ginawang exhibition sa Gapan City Plaza. Bagamat tirik ang araw ay matiyaga pa rin naghintay ang mga tao upang masaksihan ang performance ng mga musiko.

Isa pa sa mga inabangan ay ang nakakamanghang marching band drill exhibition ng Cabiao Band 96 at Zabat Band.

Ayon kay Mayor Emerson “Emeng” Pascual, inaabangan taun-taon ang kapistahan ng Tatlong Hari sa kanilang lungsod. Aniya, ang tatlong haring patron ang gumagabay sa buong Gapan at sa kanya upang lalong mapagbuti ang paglilingkod para sa mga Gapanense.

Samantala, labis namang ikinatuwa ng mga Gapanense ang maayos at masayang selebrasyon sa kanilang lugar. –Ulat ni Irish Pangilinan


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *