Sangguniang Kabataan, pinangunahan ang kauna – unahang Color Run sa Brgy. Valdefuente, Cabanatuan City

Masayang idinaos ng mamamayan ng Valdefuente ang First Color Run sa kanilang Barangay na pinangunahan ng mga Sangguniang Kabataan at Pastoral Councils ng Patron ni Sto. Rosario, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan na sinuportahan ni Governor Czarina “Cherry” Umali at sa pakikipagtulungan ni Doc. Anthony Umali.

Layunin ng naturang aktibidad na mapalakas ang pagkakaisa ng mga Residente at mapagtibay ang ugnayan ng Simbahan at ng Komunidad.

Ayon kay Sherly Guanla Pastoral Council ng Brgy. Valdefuente, ang Selebrasyon na ito ay daan upang magbigay kasiyahan at pagbubuklod ng mga Residente sa Valdefuente.

Sinabi naman ni SK Chairman Reynalyn Inggalla, ang aktibidad ay hindi lamang para sa mga Kabataan kundi maging sa mga Katandaan.

Bata, Matanda ay game na game sa kakaibang karera habang binabasa ng tubig mula sa Fire Truck at sinasabuyan ng ibat – ibang colored powder sa kanilang mga dinaanan.
Basang – basa man at puno ng iba-t-ibang kulay ang kanilang mga damit ay bakas pa rin sa kanilang mga mukha ang saya.

Pagkatapos ang takbuhan muling nag ipon – ipon ang mga nakiisang Residente sa Simbahan para ipagpatuloy ang kasiyahan.
Nagpasalamat naman ang lahat ng mamamayan ng Brgy. Valdefuente sa mga tumulong upang maging posible ang Color Run.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *