Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan, bukas sa media

   Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ang kahilingan ng Nueva Ecija Press Club (NEPCI) at DWJJ na makapagcover sa loob ng Session Hall.

   Sa isinumiteng magkabukod na liham ni Grace Sansano Presidente ng NEPCI at Mayor Jay Vergara ng DWJJ, hiniling nito na bigyan sila ng permiso na makasaksi at maidokumento ang mga pangyayari sa mga session at hearing ng SP.

   Ayon kay VM Anthony Umali, ikinatuwa niya na sumang-ayon ang mga konsehal na payagan ang mga media na makanuod ng mga session ng lungsod upang malaman ng mga manunuod ang proseso ng kanilang pagdinig sa bawat resolusyon.

   Nilinaw pa ni Umali, na bukas ang Sanggunian sa lahat ng uri ng media government o independent man. Batid din ng Bise Alkalde ang kahalagahan na ginagampanan ng media sa paghahatid ng mga makabuluhang balita para sa mga mamamayan.

   Nagbigay ng babala ang Bise Alkalde sa mga media na magtatangkang magbalita ng mga maling impormasyon at paninira lamang ang intensiyon. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *