Santor National High School Annex sa Bayan ng Bongabon, handog ng Pamahalaan Panlalawigan

Naging emosyonal ang Punong Barangay na si Francisco Guerrero ng aming makapanayam patungkol sa handog na annex building ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga mag-aaral ng Baranggay Santor kahapon June 4, 2019 sa Bayan ng Bongabon.

Kuwento  nito sa amin ang planong pagpapatayo ng Santor National High School ay naisakatuparan sa tulong ni Gobernadora Cherry Umali. Nabili aniya nila ang isang ektaryang lupa na pinagtayuan ng naturang paaralan at pagtitirikan ng panibago pang gusali sa halagang limang milyong piso.

Ibinahagi pa nito sa amin na hindi inabot ng isang taon ang planong ito simula noong inilapit nila ito sa pamahalaang panlalawigan.

Dagdag pa niya, napakalaking tulong nito sa kaniyang nasasakupan dahil maraming mga kabataan ang hindi nakakapag aral dahil umano sa mahal na pamasahe bunsod ng malayo ang mga paaralan na pinapasukan.

Mensahe naman nito sa mga magulang na itaguyod ang pag aaral ng mga anak dahil ang edukasyon ang magbubukas pintuan  sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.

Ang nasabing paaralan ay may dalawang class rooms, isang guro at isang Head Teacher.

Nasa 50 students naman ang naitatalang enrolled na sa ikapitong baitang na maaari pang umabot sa higit isa o dalawang daan ang kapasidad ng naturang paaralan.

Samantala kasabay ng pagpapasinaya ng bagong paaralan ay ang pagbubukas  rin ng klase na dinaluhan nina Vice Governor Anthony Umali, Bagong halal na Pangalawang Punong Bayan ng Bongabon Hernan Andres at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Punong Guro at ang Tagamasid Pampurok Mr. Rogelio S. Bue.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN

https://youtu.be/qqooUB2dyus

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *