SBM Rommel Padilla, kandidato bilang kongresista ng unang distrito

Naunang dumating si Robin Padilla sa tapat ng Commission on Elections  (Provincial Election  Office)   at  sa Old Capitol Building na pinagkaguluhan ng mga tao habang hinihintay nito ang kapatid na si Board Member Rommel Padilla.

Mainit namang sinalubong ng mga supporters at fans si Padilla na sinamahan ng anak nito na si  Daniel Padilla upang maghain ng Certificate Of Candidacy.

Hanggang ngayon wala pang naitatala ang COMELEC Provincial Office na makakalaban ni BM Rommel Padilla  bilang Kongresista sa unang distrito.

Inaasahan ngayong araw din maghahain ng kandidatura si incumbent representative Congresswoman Estrellita Suansing ng PDP-LABAN.

Si Rommel Padilla ay  naging board member noong 2007 at tumakbong Vice Governor  ng Nueva Ecija noong 2010. Noong 2016 ay tumakbo naman siyang Board Member ng lalawigan ng unang distrito at nanalo bilang Senior Board Member  ng nasabing distrito. 

Ngayon ay tatakbo uli siya bilang independyente sa darating na halalan 2019 kung saan makakalaban nito si incumbent representative Congresswoman Estrellita Suansing.

Parehong supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magkatunggali sa posisyon sa darating na 2019 mid-terms elections.

Ngayon ang huling araw ng paghahain ng kandidatura sa buong bansa.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *