School Stakeholders at Personnel, ginawaran ng parangal sa Education Summit 2017

Tumanggap ng parangal mula sa DepEd Schools Division of Nueva Ecija ang ilang mga school stakeholders at personnel sa ginanap na Education Summit 2017 sa Nueva Ecija Convention Center nitong Lunes, December 11.                      

Pinarangalan ang mga local chief executives ng iba’t-ibang munisipalidad dahil sa kanilang natatnging suporta at tulong s amga programa ng DEpEd Nueva Ecija.

Ang parangal na Natatanging Lingkod ng DepEd Nueva Ecija na iginawad sa natatanging SDO personnel, school head, principal at supervisor, institusyon at local chief executives ay isang pagkilala sa mga kontribusyon at suportang kanilang ibinigay upang maging matagumpay ang mga programa ng DepEd Nueva Ecija.

Isa sa mga programa nito ay ang partnership sa Ateneo de Manila University upang magsagawa ng training sa mga school heads at guro ng lalawigan.

Tumanggap ng parangal mula sa DepEd Nueva Ecija ang Direktor ng Ateneo Center for Educational Development na si Carmela Oracion dahil sa pakikipagtulungan nito sa pagsasagawa ng training para sa mga guro ng laalwigan.

Ayon sa director ng Ateneo Center for Educational Development na si Carmela Oracion, layunin nila na mahasa pa ang mga guro upang lalong umangat ang edukasyon sa lalawigan. Aniya, sa kabuuan ay umabot na sa humigit kumulang limang libong guro ang sumailalim sa pagsasanay.

Isa rin sa mga tumanggap ng award ang San Miguel Foundation, Inc. na naging sponsor sa naturang training.

Samantala, isa pa sa mga programa ay ang Kusina ng Kalinga kung saan katuwang ng DepEd ang Gawad Kalinga sa pagpapakain ng mga bata sa mga pampublikong paaralan upang matugunan ang mga kinakailangang sustansiya ng mga ito.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang SDO Nueva Ecija para sa pamahalaang panlalawigan, mga institusyon at mga local chief executive ng iba’t-ibang munisipalidad at sa lahat ng naging kaakibat nila sa mga matatagumpay nilang programa.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *