SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, IGINAWAD SA ILANG MUNISIPALIDAD, LUNGSOD AT PROBINSYA SA CENTRAL LUZON

Ginawaran ng (SGLG) Seal of Good Local Governance ng (DILG) Department of Interior and Local Government ang lalawigan ng Nueva Ecija kabilang ang siyam na bayan kasama ang ilan pang Munisipalidad, Lungsod at Probinsya mula sa Central Luzon bilang pagkilala sa katapatan, kahusayan  at pagkakaroon ng magandang pamamahala.

Nangyari ang pagpaparangal sa pagitan ng mga opisyal ng DILG at ng LGU’s o Local Government Units mula sa iba’t ibang probinsya sa Gitnang Luzon na pinangunahan ni DILG Usec. Austere Panadero na ginanap sa Fontana Convention Center sa lalawigan ng Pampanga.

Sinabi ni Panadero, na taong 2010 nang simulan ni dating DILG Usec. Jesse Robredo ang kampanya para sa Good Local Governance sa bansa.

Ipinagpatuloy ito ni Interior Sec. Mar Roxas at buong pagmamalaking inihayag ni Pnadero na ngayong taon ay nagsimulang tumaas ang bilang ng mga pamahalaang lokal sa bansa na nagkapagbibigay ng tapat na paglilingkod.

Partikular na tinukoy ni Panadero ang Gitnang Luzon na mayroong napaktaas na porsyento pagdating sa mga Munisipalidad, Lungsod at Lalawigan sa buong bansa na nakapagtala ng mas mataas pa sa national average na 91% kung saan umabot ito ngayon sa 96%.

Ayon kay Peñaranda Mayor Ferdinand “Blue Boy” Abesamis, bilang isa ang kanilang bayan sa mga nabigyan ng SGLG ay malaki ang kaniyang pasasalamat dahil hindi aniya ito magiging possible kung wala ang tulong at pakikiisa ng kaniyang mga kababayan.

Aniya, napakalaking karangalan sa isang bayan o lugar na mabigyan ng pagkilala gaya ng SGLG dahil isa ito sa mga nagsisilbing salamin sa maayos na pamumuno ng isang gaya niyang public servant.

Ganuon rin ang pananaw ni Gabaldon Mayor Rolando Bue aniya, lubos ang kaniyang kasiyahan dahil napasama sa mga nabigyan ng SGLG ang kanilang bayan.

Aniya, nagbunga ang pagsisikap ng lahat ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan at Sangguniang bayan ng Gabaldon sa pagbibigay ng malinis at tapat na serbisyo.

Samantala, kabilang sa mga pinarangalan ang mga bayan ng Cuyapo, Peñaranda, Sto. Domingo, Guimba, Gabaldon, Zaragoza, Gen. Tinio, Llanera at Nampicuan, Bulacan, Aurora, Bataan, Nueva Ecija.-Ulat ni MARY JOY PEREZ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *