Selected Dance Group at AllStyles Battler Jolo Montevirgen Jr., wagi sa Mega Hype Up 2018

Mahusay at sabay – sabay na paghataw sa pagsayaw ng hiphop ang ipinamalas ng grupong Selected na naging dahilan ng kanilang pagkapanalo sa Group Category.

Pinainit naman ni Allstyles Battler Jolo Montevirgen Jr. ang buong dance floor ng ihataw nya ang nagliliyab na routines sa kaniyang fire – inspired performance.

Ayon kay Montevirgen Jr. ,naramdaman niya na naging inspirasyon sya ng mga manunuod at kapwa nya Battlers lalo’t higit sa mga kabataan.

Nagpabilib at nasaksihan ng mga manunuod at mga hurado ang nakakaaliw na talento ng mga Novo Ecijano.

Nagtagisan ang labing pitong kalahok sa kategoryang Allstyles Battle habang labing dalawang kalahok naman ang mayroon sa Group Category.

Layunin ng grupong BryzyByz Recab  na pagsama – samahin lahat ng mananayaw ng lalawigan  as one community.

Sa panayam sa  miyembro ng grupong BryzyBryz Recab at Organizer ng Programa na si Ian Ramos , sinabi nito na sa ganitong paraan ay  maiiwas ang mga kabataan sa masasamang bisyo kayat buong puso nilang inorganisa ang naturang programa.

Nagpasalamat ang mga naging kalahok  sa pagbibigay ng ganitong oportunidad sa kanila ng ng BryzyByz Recap katuwang ang Management ng SM Mega Center. 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *