Sen. Alan Peter Cayetano, nagpamahagi ng mga regalo

     Humabol sa pamimigay ng mga regalo si Senator Alan Peter Cayetano sa mga miyembro ng Cabanatuan City Market Vendors Multi purpose Cooperative at Nagkakaisang Toda Operator Drivers Association Cabanatuan City o NTODACC.

     Sari-saring appliances ang ipinamahagi ng Senador sa mga tindera sa palengke at tricycle driver ng lungsod.

     Ayon sa Senador, hindi siya magsasawang dumalaw at magpaabot ng tulong sa mga pilipino, lalo na sa mga Novo Ecijano.

     Kilala ang senador sa kanyang programang PTK o Presyo, Trabaho, Kita. Kung saan, naglalayon na magpahiram ng kapital sa mga maliliit na negosyante sa mababang interes.

     Dagdag pa ni Cayetano, sa kanyang pagiikot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay narinig at nalaman niya ang tunay na hinaing at pangangailangan ng taong bayan.

     Katuwang na nagbigay kasiyahan sa okasyon ang Save Cabanatuan Team sa pangunguna ni Kapitan Ramon “Suka” Garcia at 3rd District Ex Board Doc Anthony Umali.

     Ang naturang okasyon ay dinaluhan ng mahigit isang daan at limampung katao na tumanggap ng iba’t-ibang papremyo. – Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *