SEN. ALAN PETER CAYETANO, TATAKBO SA PAGKABISE PRESIDENTE SA 2016 ELECTIONS

Tahasang inihayag ni Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano ang kaniyang pagtakbo bilang Bise Presidente sa 2016 elections.

Ayon kay Cayetano, noong una ay pagkapangulo ang nais sana niyang takbuhan ngunit dahil na rin sa mga kaibigan at kasama sa liderato na kumukumbisi sa kaniya na bise presidente ang kaniyang pasukin ay ito na ang kaniyang ikinonsidera.

 Kasabay nito, nilinaw rin ni Senator Cayetano na wala pa siyang running mate hanggang sa ngayon pero handa umano siyang makipagtandem sa mga nagpahayag na ng kandidatura sa pagkapangulo maliban lamang kay Vice President Jejomar Binay.

Paniwala ni Cayetano na ang tuwid na daan ay nangangahulugan ng isang mabuting pamamahala kaya naman sinuguro niya na sinuman ang kaniyang maging kapareha sa pagtakbo sa susunod na eleksyon ay kaisa siya sa pagpuksa ng korupsyon sa bansa.

Samantala, sa pagtungo ni Cayetano sa lalawigan partikular sa bayan ng Talavera ay malugod siyang sinalubong nina Mayor Nerivi Santos, Munincipal Administrator Neri Santos, former 3rd District Boardmember Doc. Anthony Umali, Philip “Dobol P” Piccio at ng iba pang opisyales ng naturang bayan.Ulat ni MARY JOY PEREZ

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *