Senior Citizens sa bayan ng Cuyapo, lubos ang pasasalamat kay Governor Aurelio Umali dahil sa libreng serbisyong medikal

Nangingilid ang luha habang ikinukwento ng walumpu’t apat na taong gulang na si nanay Rosita Fajardo na nakatira sa barangay. Tutuloy, Cuyapo ang daing nito na pananakit ng kaniyang likod, ulo at mga tuhod na umabot na ng isang linggo.

Kapos din at walang sapat na pinagkukunan si nanay Rosita kaya naman nang marinig nito ang ibinababang serbisyong medical ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor aurelio umali ay dali-daling pumunta ito upang makapagpacheck-up.

Si nanay Rosita ay mayroong apat na anak ngunit may mga asawa na aniya lahat at biyuda narin ito matagal na panahon na kaya siya nalang at ang kaniyang bunsong anak ang magkasama sa bahay.

Kabilang rin ang mag-asawa na sina tatay Leonardo Espejo walumpong taong gulang at nanay Eufemia Espejo walumpu’t apat na taong gulang na mula sa barangay. San Antonio Cuyapo na lumapit sa nasabing programa matapos na ibalita sa kanila ng kanilang kapitbahay na mayroong libreng check-up sa kanilang bayan.

Hirapman na lumakad ay pinilit nilang makarating dahil wala silang sapat na pinansyal upang nakapunta sa pagamutan.

Nabatid na tatlong araw nang nilalagnat si nanay Eufemia, at tila hirap narin daw silang makatulog mag-asawa.

Tatlo ang anak ni nanay na nakikipunla sa maynila ngunit may mga asawa narin aniya ang mga ito kaya hindi narin sila mapadalhan ng sapat ng pinansyal.         

Lubos naman ang pasasalamat ng limangdaan at labingisang benepisyaryong nakatangganap ng serbisyong medical at dental sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.

Susunod naman na magbababa ng serbisyong medical at dental ang pamahalaang panlalawigan sa darating na February 26, 2020 na gaganapin sa Lupao Nueva Ecija.

Ito ay isa lamang sa programa ng pamahalaang panlalawigan na ibinababa sa mga Novo Ecijano na layuning makapaghatid ng serbisyong may malasakit. Ulat ni Myrrh Guevarra

Watch – Senior Citizens sa bayan ng Cuyapo, lubos ang pasasalamat kay Governor Aurelio Umali dahil sa libreng serbisyong medikal


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *