Senior High School SPA students ng NEHS, nagpamalas ng kanilang talento sa ikatlong taon ng Ani ng Sining Arts Festival

Ipinamalas ng mga estudyante ng  Senior High School Special Program for the Arts  ng Nueva Ecija High School ang kanilang talento gamit ang   iba’t ibang uri ng sining sa kanilang pagtatanghal  na pinamagatang ‘The Philippine Art Festival; Ani ng Sining’  

Ginanap sa NEHS Gymnasium nitong Miyerkules, March 4 2020 ang dalawang oras na pagtatanghal ng mga estudyante SPA program na may temang “Pahayag”.

May mga nag sayaw sa saliw ng  napapanahong tugtugin at katutubong sayaw katulad ng Halik sa Hangin at Man Manok at marami pang iba.

Nagpakitang gilas ang Rondalla sa pagtugtog ng mga awiting viral ngayon sa social media katulad ng Catriona, Coconut, at Tala:

Isa si Ria Wanta  sa mga grade 8 student na  nag perform ng katutubong sayaw na  Man Manok at ayon sa kanya ang SPA program ay nakatulong sa kanya na mas sanayin pa ang kanyang talento.

Hindi rin nagpahuli ang mga mang-awit sa koro sa kanilang sariling bersyon ng mga orihinal na musikang Pilipino na Nahan, Saan Ka Man Naroroon at Isang Mundo, Isang Awit.

Bukod sa pagkanta at pagsayaw  ay naghanda rin ng maikling pagtatanghal ang mga myembro ng Teatro at malikhaing pagsusulat.

Inihayag ni Senior  High School Principal Rowena Caoile na pagmamahal sa sining ang naging ugat upang buksan ng Nueva Ecija High School ang curriculum na Special Program for the Arts na naglalayong hubugin ang talento ng mga kabataan sa larangan ng musika, Visual Arts, Theater Arts, Media Arts, Creative Writing and Dance. – Ulat ni Amber Salazar

Watch – Senior High School SPA students ng NEHS, nagpamalas ng kanilang talento sa ikatlong taon ng Ani ng Sining Arts Festival


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *