Shape Hub and Wellness, may adbokasiyang maging fit and right sa loob ng 21 days

Dahil buwan ng Nutrisyon  marami sa atin  ang mas nagtutuon ng pansin sa kapakanan ng ating mga kalusugan, inaalam ang ibat-ibang klase ng pagkain na mayaman sa bitamina at mga inuming babagay sa ating katawan, isa na rito ang adbokasiya ng Shape Hub and Wellness  Center na matatagpuan sa Poblacion East Science City of Munoz.  2Ang  Shape Hub and Wellness ay pagmamay-ari nina Maribeth at Rolly Arango na dating OFW at naitayo ito noong 2012.

Layunin ng Shape Hub  and Wellness na tulungan ang mga taong may problema sa pagpapapayat at kulang sa nutrisyon na kailangan ng  katawan.

Karamihan sa nagiging cliente ni coach Maribeth ay mga kabataang obese o sumobra sa timbang na hindi ayon sa kanilang edad.

Sa pamamagitan ng pag-inom ng shake and tea na ikinakampanya ng Shape Hub ay makakamit mo na ang tamang timbang at tamang nutrisyon na kukumpleto sa iyong kalusugan.

Katumbas ng isang complete balance meal ang pag-inom ng shake at tea na kung saan lahat ng kailangan ng katawan na nutrients sa isang kainan ay narito  na .

Katumbas ng isang complete balance meal ang pag-inom ng shake at tea na kung saan lahat ng kailangan ng katawan na nutrients sa isang kainan ay narito  na .

“Samahan naman ng exercise at tamang mind set “, ang wika ni coach Maribeth para higit pang makamit ang magandang kalagayan ng katawan

1Isa pang programa mayroon ang Herbal Life ay tulad ng pagkakaroon nila ng community health kung saan tinuturuan ang mga mamayan na magkaroon ng lifelong eating skill at malaya ang sinumang nagnanais na makinig at umanib sa kanilang nutrition club.

 Sa panahon ngayon marami na sa atin ang mas pinipili ang mga Alternatibong medisina tulad ng Herbal o mga organikong paraan ng pagkain at pag-inom na makapagpagaling sa ating karamdaman o suliranin sa katawan.

Kung nais niyong bisitahin at malaman ang iba pang mahahalagang bagay ukol sa Shape Hub and Wellness ay tumawag o magtext lamang sa numero na 09081291427.Ulat ni Bituin Rodriguez

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *