“Shoebox ko, Kinabukasan mo” pinamahagi ng Army Artillery Regimen at mga sponsors sa mga napiling estduyante ng Palayan City at Gen. Tinio.

Shoebox project
Shoebox project

     Ang mga kabataan ay mula sa  Buklod Palad Elementary School, Minalunago Elementary School at Kalikasan Elementary School na sakop ng Palayan at General Tinio. Umabot sa  408 estudyante mula kinder hanggang 4th year ang nabigyan ng mga school supplies mula sa ibat ibang sponsor na dumalo rin sa event.

     Nagsimula ang Project Shoebox noong 2012 at inadapt ito ng Philippine Army noong 2013 at inilunsad bilang “Shoebox ko, para sa pag aaral  mo”. Simula noon ay umabot na ng 93 public school ang nabigyan ng programa para sa taong 2012 at umabot na sa   288 public schools sa  taong  2013.

     Ginamit din ang Shoebox upang makatulong sa mga estudyante na hinagupit ng bagyong Yolanda at Pablo at sa pag daan ng taon ang mga Shoebox na ito ay ginamit din bilang lalagyan ng relief goods para sa mga pagkakataon na sinasalanta ang ating mga kababayan ng mga kalamidad at sa pag pasok ng taong 2015 ay naabot na ng Shoebox ko para sa kinabukasan mo ang 701  219,560  student beneficiary a buong bansa at nakatanggap ng humigit 8.5 million worth ng donasyon mula sa mga katuwang ng PNP at  mga organisasyon.

     Ilan na dito ay ang sm city cabanatuan na ibinigay ang kanialng suporta sa pag bibigay ng item para sa mga bata. Para sa operation na ito nag bukas ng kanilang palad sina  Senator Antonio Trillanes IV, Governor Cherry Domingo Umali, Mayora Adrianne Cuevas, President Pacifico Aniag ng Wesleyan University, Ms. Laila Galingan , mga guro ng Camp Tinio National Highschool, Midway Maritime Foundation, Abs Cbn Sagip Kapamilya, Gardenia, Kiwanis International, Sl Agritech, Aboitiz, KBP, San Miguel Brewery, Aski, Procter and Gamble Philippines.

     Lubos din ang pasasalamat ng DepEd dahil sa pag tulong na ito sa mga estudyante mula sa mga depressed areas kung saan ang ilan sa mga nabigyan ng tulong ay mula sa sector ng mga indeginous people. nananawagan din ang DepEd para sa iba pang mga estudyante na nagangailangan ng tulong upang pagag patuloy ng maayos ang kanilang pag-aaral.Sinigurado rin ni Col De asis na hindi ito ang huling beses natutulong ang Shoebox Project sa Nueva Ecija. Bukod pa dito ay binigyan din ng kasiyahan ang mga mag aaral lalo na ang mga elementary students ng lumabas din ang isa sa paboritong mascot ng mga kabataan.. si  jolibee  Bago sila ibalik sa kani kanilang mga eskwelahan – ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *