Shoplifters sa SM City Cabanatuan, huli; binata, arestado sa buy-bust operation sa Gabaldon

Dinakip ang dalawang babae at isang lalaki matapos magnakaw ng electrical tools sa SM City Cabanatuan bandang alas tres bente singko ng hapon noong January 7, 2020.

Kinilala ang mga suspek na sina Jenny Medina y Matias, 33 years old, dalaga, walang trabaho, residente ng barangay Tibag, Tarlac City, Nhica Castro y Subido, 27 years old, dalaga, wala ring trabaho, naninirahan sa barangay Barrera, Cabanatuan at Mark Tapawan y Rimando, 37 years old, binata, residente ng Upper Pingit, Baguio City.

Base sa ulat ng pulisya, nagkakahalaga ng mahigit anim na libong piso ang electrical tools na tinangkang itakas ng mga suspek mula sa department store.

Hinuli ng security personnel ang tatlo at dinala sa police station ng Cabanatuan City.

Samantala, arestado ang isang binata sa isinagawang buy-bust operation ng Gabaldon Police Station sa barangay Malinao alas otso trenta ng gabi noong January 5, 2020.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na si Raymond Vasquez y Amazona, 28 years old, binata at naninirahan sa nasabing lugar.

Nabili umano ng mga otoridad mula sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at nakuha rin ang anim pang plastic sachet ng naturang illegal na droga kasama ang isang five hundred peso-bill na ginamit bilang marked money.-ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *