SIAKOL, NAGPASIKLAB NG MALULUPIT NA AWITIN PARA SA MGA TAGA GEN. NATIVIDAD

Nagpasiklab ang bandang Siakol ng iba’t ibang awitin bilang regalo ng lokal na pamahalaan ng General Natividad sa mga kabataang residente ng nasabing bayan .

Parte ng pagdiriwang ng ika limamput walong anibersaryo ng bayan ng General Natividad ang ginanap na konsyerto ng bandang Siakol.

Sa pamamagitan ng TM ay nabuo ang konsyerto na isinagawa sa Municipal Oval ng naturang bayan.

Tatlong araw lamang ang naging selebrasyon ng kapistahan ngunit naging matagumpay naman ang mga activities na kanilang pinagdaanan tulad na lamang ng fun run at mga sports fun games na mas pinagtuunan nila ng pansin.

Binanggit naman ng ina ng bayan ng Gen. Natividad ang ibat-ibang proyekto na naging matagumppay sa kanilang lugar.

Nakisaya din  ang mga kalok-alike sa ikatlong araw ng pista mula sa showtime tulad nina kalokalike Vice Ganda, Coco Martin, Jessa Zaragosa, Daniel Padilla at iba pa.

Bumisita rin si Makata, Beatbox Gor at iba pang talents ng TV5 upang magbigay aliw sa mga manonood.

Laking tuwa naman ng mga manunuod lalo ng mga kabataan na humahanga sa bandang Siakol.

Ang ibig sabihin ng “Siakol” ay malaya, masaya at makulit na mga ipinahihiwatig ng mga kanta.

Ang pinakapopular na awit ng naturang banda ay ang Lakas Tama na madalas kinakanta sa mga videoke lalo ng mga kalalakihan.

Ilan pa sa mga pinasikat na awit ng Siakol ay tulad ng Bakit Ba?, Peksman, Sa Kabilang Mundo at marami pang iba.- Ulat ni Bituin Rodriguez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *