Singing Daddy ng Pob. Norte, wagi sa 5th Palay Festival Tawag ng Tanghalan ng Rizal

Sampung mang-aawit ang nagtagisan sa galing sa pagkanta sa ginanap na Lahing Awitin, Tawag ng tanghalan sa Bayan ng Rizal bilang bahagi ng kanilang limang araw  na selebrasyon na 5th Palay Festival.

Anim na mang-aawit ang pasok sa first round kabilang sina contestant # 10 Rizaldy lucas-ang Singing Ballader ng Sta. Monica, #9 Joyce Diga ang Daughterrific voice ng Paco Roman, #8 Abraham Azur ang estudyante singer ng  Agdannaluag,#7,#6,at # 4 Josephine Baysa-ang Singing mapag nanay ng Calaocan District.at apat na mga mang awit naman ang pasok sa banga sa 2nd round kung saan masusing pinili at hinimay ng mga hurado.

Itinanghal na 3rd runner up si contestant #4 na nakatanggap ng 3,000 pesos. Si contestant # 8 naman ang itinanghal na 2nd runner up, na tumanggap ng 5,000 at ang 1st runner up naman ay si contestant # 6 Manilyn Carlitos-ang  spicy singing terrific ng Portal na tumanggap din  ng P7,000.

Nakuha naman ni Contestant #7 Ralph Joseph Ramos-ang singing daddy ng Pob. Norte, ang pinaka titulo bilang  kampyonato ng patimpalak na tumanggap ng tumataginting na sampung libong piso. Bukod sa cash prizes ay mayroon pang gift certificates mula sa crystal waves ang apat na nanalo. Consolation price naman  na halagang 2, 000 piso ang natanggap  ng lahat ng kalahok.

Samantala, bago pa nagsimula ang  programa ng kanilang singing contest ay pinangunahan ni Mayor Lito Andres ang pyrotechniques display na ginanap sa Bahay Pamahalaan ng bayan ng Rizal.

At ang pinaka-nagpasaya ng gabi ng mga at pinakainabangan ng mga Millennials ang Guest Artist na si Moira Dela Torre na pina-init at pinakilig ang mga Rizalenyo sa kanyang sunud-sunod na kanta na pinamagatang Torete, Sundo, Tagpuan, Malaya at ang pinaka-hit ay ang kanta nyang  Titibu-tibo.

-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *