SK secretaries and treasurers, sumailalim sa mandatory training ng DILG

Halos isang libo at pitong daan Sangguniang Kabataan (SK) secretaries at treasurers ng Nueva Ecija ang nakakumpleto sa iginayak na SK mandatory training ng Departmet of Interior and Local Government (DILG).

Ang training ay isinagawa katuwang ang Provincial Government ng Nueva Ecija (PGNE), Liga ng mga Barangay (LnB), Panlalawigang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan at Local Youth Development Officers (LYDO).

Ayon kay DILG-Central Luzon Regional Director Julie Daquioag, ang pagsasanay ay pagtalima sa Republic Act 10742 o Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015.

Bukod pa sa layunin na lalo pang mahasa ang mga opisyal ng kabataan sa paggampan ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang mga lingkod bayan.

Ang training program ay binubuo ng tatlong module ang decentralization, local governance, SK history and its salient features, meetings and resolutions, planning and budgeting, at code of conduct and ethical standards for public official and employees.

Umaasa si Daquioag na sa pagsusumikap ng pamahalaan na malinang ang kakayahan ng mga kabataan ay mas lalo rin silang magiging pursigido na matuto na gawin ang kanilang mga tungkulin sa isip, salita at gawa.

Nagsimula ang training noong June 10 at nagtapos noong June 14. –Ulat NI Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *