Skin Light distributors at resellers , nag bahagi ng kanilang success stories sa kanilang Annual meeting

Masayang ibinahagi ng mga distributor at sellers ang kanilang karanasan  sa  Skin Light Body Care products na karamihan ay mga mommies na naghahangad  na magkaroon ng extra income para mausutentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kagaya na lamang ni Regine Fernando mula sa Sta. Ana Branch na  bagama’t working mom ay nagpasya pa rin sya na mag benta  ng Skin Light Products para makadagdag sa kanyang income.

            Hindi aniya naging madali ang kanyang  pinagdaanan at nakakaranas man sya ng hamon sa buhay ay nakaalalay pa rin ang pamunuan ng SLBC.

Sa kanyang interview ay  inamin ni  Dulce Lising  mula Gapan City na bagama’t takot sya na mag invest  ay nilakasan nya ang  kanyang loob at piniling  distributor ng  Skin Light tatlong taon na ang nakakaraan.Ngayon  dahil sa tulong ng Skin Light ay mayroon na silang hinuhulugang condo unit at  nakapag pundar na rin ng sasakyan.

Ayon kay  Miss Dulce  dahil sa dekalidad at aprubado ng FDA  na mga produkto ng SLBC kaya naman confident sya na ibenta ito.

Taong 2015 binuksan sa Nueva Ecija  ni Mrs. Aireen Domingo ang Skin Light Bocy Care  na noong una ay pang personal lamang nya na gamit. Mag mula noon ay unti-unti nang dumami ang mga reseller ng SLBC na mayroon na ngayong branches sa buong bansa.

Sa halagang 1,000 piso ay maaari ka ng maging reseller ng Skin Light Body Care Product

Nakatanggap na rin ang SLBC ng mga parangal katulad ng Consumer Choice award noong 2016 bilang most highly recommended skin whitening and body care product. 2016 Global  Brand Awardee as best  high quality skin care products brand at marami pang iba.

Mensahe ni Mrs. Aireen Domingo sa mga resellers at distributors na kinakailangan ang  tiwala at sipag  upang umasenso sa buhay. –Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *