Smart, inilunsad ang Giga Pro na may mas malaki at mahusay na data

Inilunsad ng Smart Communication Incorporated. Ang GIGA Pro na mayroong mas malaki, mahusay at mas pinabilis na data upang agarang makita ang mga impormasyon na nais malaman ng mga gumagamit nito.

Makakatulong umano ito ngayong may krisis sa kalusugan dulot ng COVID-19 kung saan ang mga empleyado, at mga mag-aaral mula sa ibat-ibang estado ay gumagamit na ng internet sa bagong pamamaraan ng pagtatrabaho at pag-aaral.

Ayon sa website ng Smart, ang GIGA Pro ay maaaring gamitin ng mga naka subscribe o gumagamit ng Smart Bro Prepaid at Smart Prepaid.

Ilan sa mga iniaalok ng GIGA Pro ay ang 3 Giga bites na magagamit kada-araw at may kasamang freebies para sa ibat-ibang application gaya ng videos, study, work, games and stories at may kasama rin na data access.

Halimbawa na rito ay ang GIGA Pro 199, na mayroong 27 Giga Bites na magagamit umano pangdata at masusulit sa loob ng isang linggo habang may kasamang 3 Giba Bites na masusulit kada araw sa kung anumang mapipiling freebies na kasama nito.

Bukod pa rito nag-ooffer din sila para sa mas mataas na halaga tulad ng GIGA Pro 599, na ma-eenjoy sa loob ng labinglimang araw, 3 Giga Bites para sa bawat araw na magagamit sa anumang freebies na mapili at may kasamang 12 Giba Bites para sa data access.

Samantala ang GIGA Pro 999 na umaabot sa 114 Giga Bites na uubos ng 3 Giga Bites bawat araw sa loob ng 30 days habang may karagdagang 24 Giga Bites na magagamit para sa data access.

Tiniyak naman ni Alfredo S. Panlilio, Smart President at CEO at Chief ng Revenue Officer ng PLDT na sisikapin nilang mas mapaganda pa lalo ang kanilang serbisyo upang mas maging madali para sa bawat Filipino ang paghahanap ng mga kailangan at mahahalagang impormasyon. Ulat ni Myrrh Guevarra

https://youtu.be/VXadzzuq-RQ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *