Eat lang ng Eat | Pastel Le’Bosco Café

Iba-iba man ng opinyon at ipinaglalaban, kapag tiyan ang kumalam, nagkakaisa ang mga kaisipan. Pagkaing mura pero panalo ang lasa Pastel Le’Bosco Café ay inyong matitikman at makikita. Kakaibang twist ng tofu inyo ng dayuhin at tunguhin, bisitahin lamang sila sa Talavera, Nueva Ecija. Para sa iba pang mga katanungan magtext o tumawag lamang sa 0975-321-7484.

Eat lang ng Eat | Cafè Nueva

Nakatikim kana ba ng Ilocano dish na Igado? Isang putahe ng pagkain na talaga namang kasasabikan mong tikman at tiyak na babalik-balikan mo! Gusto mo bang malaman ang sekreto? Bumisita na sa Café Nueva na matatagpuan sa Brgy. San Pascual, Talavera, Nueva Ecija.

Eat lang ng Eat | Isdaan

Busugin hindi lamang ang tiyan kundi maging ang mga puso at mata dahil sa hatid na experience ng Isdaan-Talavera. Tacsiapong gulay at Lechon Tinupig Manok na katakam-takam, Isang Kilo Bridge na kapanapanabik at Tacsiapo Wall na nakatatanggal ng stress, inyo ng subukan dito. Matatagpuan lamang sa Brgy. Bagong Silang, Talavera, Nueva Ecija.

Eat lang ng Eat | Dice & Lights Cafe | Pika-pika sa Peñaranda

Food trip na may kasamang board games, mabubusog kana siguradong mag-eenjoy ka pa! Kalimutan muna panandalian ang busy life, kumustahin ang kapamilya at kabarkada habang nagrerelax sa Dice and Lights Café na matatagpuan sa 262 Abesamis Subdivision Poblacion I, Peñaranda, Nueva Ecija. Para sa iba pang impormasyon tumawag lamang sa numerong 0917-3036-982.