Special Investigation Task Group, Binuo para Tumutok sa Pagpatay sa Kapitan ng Barangay Camp Tinio; 27-anyos na Kelot, Timbog sa Operation Lambat Sibat ng PNP

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang mga otoridad upang tumutok sa kaso ng pagpatay sa Punong Barangay ng Camp Tinio sa Cabanatuan City.

Si Kapitan Roger Pascual y dela Cruz mas kilala sa palayaw na Od, singkwenta’y dos anyos, ay binaril ng paulit-ulit ng riding-in-tandem noong June 7, 2015 sa harap mismo ng kanyang tahanan sa Zone 2, Camp Tinio na nakunan ng CCTV camera.

Naisugod pa sa ospital si Kapitan Od ngunit binawain rin ito ng buhay habang ginagamot.

Talavera- Arestado ang isang suspek sa isinagawang operation Lambat Sibat ng mga pulis sa bayan ng Talavera.

Nadakip ang suspek na si Larry Balagtas y Lucas, bente syete anyos, residente ng barangay San Miguel na Munti ng naturang bayan, sa bisa ng dalawang “Alias” Warrant of Arrest para sa mga kasong Frustrated Homicide at Assault Upon an Agent of a Person in Authority.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa istasyon ng pulisya ng Talavera. –Ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *