SPECIAL MEETING NG LGU AT PNP, INILUNSAD NG RPOC

Pinagtuunan ng pansin ng Regional Peace and Order Council 3 sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali sa ginanap na joint special meeting ng mga lokal na pamahalaan at Philippine National Police ang usapin tungkol sa problema sa illegal na droga sa Central Luzon.

Ayon kay Governor Lilia Pineda, Chairman ng Sub Committee of Dangerous Drugs ng RPOC, inilunsad ang espesyal na pagpupulong ng mga gobernador at Provincial Directors ng PNP upang talakayin kung paano paiigtingin ang anti-drugs campaign sa mga lalawigan ng region 3.

Ipiniresenta ni Regional Investigation and Detective Management Division PSUPT Apostol Valencia ang accomplishments ng bawat probinsiya kaugnay sa kampanya laban sa droga ngunit pinutol ito ni Governor Umali dahil nakita ng mga PD na magkaiba ang mga datos na ini-report ni Superintendent Valencia kumpara sa kanilang mga record.

Paliwanag ni Valencia, hindi pa updated ang mga datos ng kanilang record sa regional office ng PNP.

Dahil dito ay nadismaya si Governor Oyie. Sayang aniya ang pinaghirapan ng mga pulis kung hindi naman ito naisasama sa ulat.

Pinayuhan ni Governor Umali ang mga otoridad na bago gumawa ng report ay mabuting i-check muna ito dahil kung hindi umano magkatugma ang dami ng nahuling drug personality sa dami ng nakumpiskang drugs ay maaaring magkaroon ng duda sa pagiging lehitimo ng mga operasyon sa kampanya laban sa droga.-Ulat ni Clariza De Guzman

[youtube=http://youtu.be/tNVWtKKsjVk]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *