Sports Activity Center sa Lungsod ng San Jose, bukas na sa publiko

Binuksan na ng lokal na pamahalaan sa publiko ang bagong Sports Activity Center noong January 25, 2019 na matatagpuan sa Brgy F.E. Marcos, San Jose City.

Ang pagbasbas ay pinangunahan ni Rev. Fr. Redentor Asuncion Jr. Habang ang ribbon cutting ceremony ay pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador katuwang sina Vice Mayor Glenda Macadangdang at miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Ayon sa Alkalde, layunin ng Center na lalo pang mapahusay ang angking galing ng mga kabataang atleta sa larangan ng isports.

Matatagpuan sa Sports Activity Center ang badminton court, table tennis at iba pang mga kagamitan sa paglalaro.

Sa seremonyas ay ipinasa ni Mayor Salvador ang Certificate of Occupancy kay Sports Development Office-OIC Randy Macadangdang bilang pagbibigay ng karapatan na mangasiwa sa naturang gusali.

Sa pahayag ni Macadangdang, malaking tulong ito para sa mga manlalaro ng badminton at table tennis na mahigpit na nag-eensayo ngayon para sa paghahanda sa nalalapit na Central Luzon Regional Athletic Association (CLARAA) Meet 2019 na na gaganapin sa darating na February 3-8 sa Iba, Zambales.

Sa anunsiyo ng Athletic Manager ng division ng lungsod na si Exlan Timbol, ang mga delegadong mananalo sa sports event ay makatatanggap ng insentibong limang libong piso sa gold medalist, tatlong libong piso sa silver medalist at isang libo at limang daang piso naman sa bronze medalist.

Bukod pa dito ay tumanggap ng allowance ang bawat atleta para sa pagsabak sa CLARAA meet. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *