Spread the virus of love mensahe ng pamahalaang panlalawigan para sa Valentine’s day

Spread the virus of love ang mensahe ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali ngayong Valentine’s day sa mga Novo Ecijano  sa gitna ng problema tungkol sa Novel Coronavirus.

Sa ika-dalawampu’t tatlong episode ng Usapang Malasakit sa Lipunan noong February 11, 2020, naging panauhin si Fr. Arnold Abelardo ng Ako ang Saklay Inc. kung saan pinag usapan ang iba’t ibang uri ng pag-ibig.

Ipinaliwanag nito na maraming uri ng pagmamahal; maaring pag-ibig ito sa Panginoong Diyos, pamilya, karelasyon at pagmamahal sa bayan.

Hinikayat ni Fr. Abelardo ang mga mamamayan na sana sa kabila ng pangamba sa Coronavirus ay patuloy na ipakalat ang virus ng pagmamahal sa isa’t isa dahil upang mas maging makabuluhan ang selebrasyon ng araw ng mga puso.

Hinikayat ni Fr. Abelardo ang mga mamamayan na sana sa kabila ng pangamba sa Coronavirus ay patuloy na ipakalat ang virus ng pagmamahal sa isa’t isa dahil upang mas maging makabuluhan ang selebrasyon ng araw ng mga puso.

Sinegundahan naman ito ni Provincial Administrator Alejandro Abesamis at tinawag na nLove ang pagpapakalat ng pagpaparamdam ng pag-ibig.

Bilang mga ama ibinahagi rin nina PA Abesamis at Governor Oyie Umali kung paano nila ipinagdiriwang ang Valentine’s day.

Kwento ni Gov Oyie nagbago na ang paraan nila ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ng kanyang kabiyak na si former Governor Czarina “Cherry” Umali dahil kasama na nila ang kanilang apat na mga anak na babae.

Tungkol naman sa pagmamahal sa bayan, pinuri ni Fr. Arnold ang pagmamalasakit ni Governor Umali sa mga kababayang magsasaka na naapektuhan ang kabuhayan sanhi ng pagkakapasa ng Rice Tariffication Law.

Sa pamamagitan ng itinatag na Provincial Food Council ay namimili ang pamahalaang panlalawigan ng palay sa mas mataas na presyo.

Imbes naman na ibenta ang Malasakit Rice na mula sa mga nabiling palay sa mga magsasaka noong nakaraang anihan ay minabuti ni Gov Oyie na ipamahagi ito bilang tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas

Bago matapos ang programa, pinaaalalahanan ang mga Novo Ecijano na mag-ingat, sundin ang mga payo ng Department of Health upang makaiwas sa nCoV, at huwag matakot na komunsulta sa doktor kapag nakaramdam ng mga sintomas nito, panghuli ang panalangin para sa mga nadapuan ng sakit dulot ng Coronavirus.-ulat ni Belle Ramirez at Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *