Suspek umano sa pagpatay kay Fr. Nilo na si Milan, abswelto sa kaso

Nagbaba ng kautusan ang Regional Trial Court sa pag withdraw o pagbawi sa kaso ng pamamaslang laban sa napagkamalang suspek na si Adel Roll Milan.

Sa pinirmahan na order ni Presiding judge Angelo Perez ng RTC Branch 27 ng Cabanatuan City ay ipinag-utos nito ang agarang pagpapalaya kay Adel.

Nagsumite naman ng sinumpaang salaysay si Milan na hindi na magsasampa ng kaso laban sa mga pulis na humili sa kanya.

Matatandaan na si Milan ay inaresto noong June 15 sa Brgy. Malapit San Isidro dahil sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo noong June 10 sa Nuestra SeÑora dela Nieve Chapel sa Brgy. Mayamot, Zaragoza.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *